Sa tuktok ng pyramid tinanong ni Morgan Freeman si Jack Nicholson, "The Egyptian Gods will ask you two questions before they let you in in the gates of heaven. One - have you ever found joy in your life and two - have your life brought joy to others?" Sinagot ni Jack ng may pagaalinlangan ang unang tanong pero yung pangalawa, wala siyang nasabi. Ako man siguro hindi ko pa kayang sagutin ang unang tanong, lalo naman yung pangalawa.
Yan ang Bucket List. "It's moving, inspiring and makes you think about your life." Well, pwede na. Kung yung housemate ko ngang masayahin naiyak nung nag-eueulogy na si Jack ke Morgan, malamang eh me palo nga ang pelikula sa puso ng manonood. O baka naman iyakin nga lang talaga siya. Kung di man ako naiyak tama namang sabihing it makes you think not once but twice (ala Susan Roces) about your life. Hmmmm. Sige nga, pagnilay-nilayan ko nga to sa loob ng tatlumpung minuto habang nagpapatuyo ng Boron.
Unang tanong, have you ever found joy in your life? Sa buhay ko, dalawa lang ang natatandaan kong joy, si Modest at si Ms. Olo. Siyempre hindi counted yun. Chemistry? It's interesting, challenging sometimes fun but most often frustrating - definitely not my definition of joy. Eh basketball? For me life is like basketball pero basketball is not life. Hindi naman ako professional player eh. Sooner or later ireretire ko rin ung mga Intercolor jerseys ko. Sa ngayon suklo pa nga hinlalaki ko. Kelangan pang hilutin ng Ben-Gay gabi-gabi. Hindi makapagbasketball. Definitely not joy. Ah, girlfriend ko. Kanina pa kumakatok yan sa utak ko. Yeah we really have fun and laughter together. Parang walang nang bukas pag magkasama. Pero sa ngayon almost 19,000 miles ang distansya namin sa isa't isa. Internet at telepono lang ang namamagitan (madalas nga YM lang). Pero nakita ko naman ang isang piraso ng jigsaw joy puzzle ko sa kanya. Siguro centerpiece pa. Wag nga lang nya akong ipagpapalit sa ibang mas guwapo, mas matalino, mas mabait at mas talentadong nilalang. Take note of the word "mas", importante yan. Sabagay me helmet na naman yun. Safe na, maumpog man sa aspalto. Pamilya ko? Si Nanay, si Tatay, si Ate at si Kuya. Oooops panganay nga pala ko. Yung ate at kuya para sa dalawa kong mas batang kapatid. They're the second piece of the puzzle. Alam kong magiging masaya ako kung mas masaya sila. Ako naman ay naging isang mabuting anak at kapatid sa aking mga mahal sa buhay (kahit papano). Kaibigan? Marami naman akong tinuturing na kaibigan at siguro naman tinuturing din nila akong kaibigan din, sana - mga kaklase nung elementary, highskul, college, at pati na rin grad skul, mga katrabaho sa Chem, ka-Org at Brods sa UP,teammates sa basketball at mga kapitikan ng ilong at tenga hanggang ngayon. Masaya pag kasama sila. Sana nga lang sa hirap at ginhawa rin. Kadalasan kasi sa ginhawa at inuman ko nakakasama ang mga to. Teka, minsan nga dalawin ko ang ilan sa kanila at sabihin kong nakabaril ako ng tao. Tingnan ko kung sino kayang magpapatuloy sa kin. Career? Chemistry is my career and that goes back to the first statements. Come to think of it, nakita ko na nga pala ang joy sa buhay ko. Hindi pa nga lang kumpleto. Mas tama nga sigurong isipin na part by part lang ang kaligayahan ng tao at hindi nakasalalay sa iisang bagay o tao rin lang. At least me optimistic view ka parati na me darating pang ibang parts of the whole joy puzzle in the future. Sa tingin ko kaya kong sagutin yung unang tanong - yes but not yet completely.
At ang huling tanong, have your life brought joy to others. One word - SANA.
Tuesday, June 17, 2008
Subscribe to:
Comments (Atom)