(Isang tulang itinuro ng Lola ko sa Tatay ko na tunuro naman sa kapatid ko.)
Malungkot ang batang sa ina'y lumuhod
At saka nagtanong na naghihimutok,
Bakit inang luma itong aking saplot
Ngayon ay Pasko at araw ni Hesus
Ang nakasabay kong namasko't nanlimos,
May bagong baro, medyas at sapatos,
Naiinggit ako sa kanilang suot,
Pati paa ko'y parang tinitisud-tisod.
Parang dinagukan ang dibdib ng ina
Sa sinabing iyon ng anak na sinta
At hindi kinukusa'y nagbuntung hininga
At tuloy nanlaglag ang luha sa mata.
Hayaan mo anak at sila'y may kaya,
Samantalang tayo ay dukhang talaga.
Sa bunton ng pilak nagpapasko sila,
Samantalang tayo, sa hirap magpasko at magsaya.
Ang sasa bihin ko'y tandaan mo anak,
Ang diwa ng pasko ay wala sa pabalat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
"(Isang tulang itinuro ng Lola ko sa Tatay ko na tunuro naman sa kapatid ko.)"
bakit naman ganun kuya.. mula pa bata ako alam ko na ang tulang ito, gawa po ito ng lolo ko.. bakit po bingo ung mga linya at salita.. hindi din po yan ang tunay na simula..
malayong kamag-anak po ba namin kayo at alam nyo ang tulang ito..
We don't teach this poem just to anybody but relatives to protect it as part of our family's pride..
Please reply as soon as you get this notice..
May mga nabago...alam ko din po iyan... Tinuro ng Lola ko sa tita ko at itinuro sa Amin... AT ituturo ko sa anak ko.
my grandfather also taught me this.
yeah may changes. i was trying to search for this kasi nakalimutan ko na tapos ito kulang din
Post a Comment